Brushes
Bago mo i-download ang aking mga brushes ay dapat mo muna basahin itong mga palatuntunan at sumang-ayon dito para makakuha ng brushes. Anu mang pagsuway sa mga palatuntuning ito ay magkakamit ng parusa at ito'y seryoso.1. Bawal mong ipamigay o ilagay sa iyong website ang mga ito. Ibinigay ko ang aking oras para ma-scan ang mga imahe at gawing brush.
2. Dapat may credit (kahit saan basta makikita sa website mo). Pag nalaman ko na hindi ako kasali, humanda ka. Kahit simpleng 88x31 na button pwede na.
3. wag mong sasabihin na ikaw ang gumawa. Wag mo ring ibahin ang istraktura ng mga ito hanggang sa mag-iba. Malalaman at malalaman ko rin yan.
Ang pagbibigay ng kumento sa aking talaarawan ay isang magandang gawain. Gusto kong malaman galing sa mga bisita ang kanilang opinyon tungkol dito.
Salamat sa pagbabasa, sana ay matuwa kayo sa ang mga brushes.
Pag kayo'y may problema tungkol sa mga palatuntunin o mga mungkahi sa mga brushes etc. i-email lamang ako o mag kumento. Pag meron kang nahanap na website at ginamit ang mga brushes ko ng walang credit o ipinamimigay muli, paki-kontak lang din ako.
Sa pag pindot ng "ako ay sumasang-ayon" ay ibig-sabihin na binasa mo at ika'y sumang-ayon sa akong mga palatuntunin.
Binasa ko at ako'y sumasang-ayon sa iyong mga palatuntunin
Hindi ko binasa at hindi ako sang-ayon sa iyong mga palatuntunin
Pag ika'y marunong mag salita ng anu pang lenggwahe at handang mag-salin ng palatuntunin, ipag ibag-alam at ako'y i-kontak.
Salamat po Mara
WHAT'S HOT? - Myspace Generators
We have over 20 generators for your myspace and web design. If you want us to make some more generators, just contact us.








